13/03/2026
🌱 Mula sa Bakuran, Patungo sa Hapag-Kainan! 🥗
Mga kapitbahay at mamamayan Ng Poblacion IV, oras na para magtanim! 🍅🌶️
Sumali na sa ating HAPAG (Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay) advocacy campaign. Hindi mo kailangan ng malawak na lupain para makapagsimula—urban gardening ang solusyon!
Bakit ka dapat sumali?
✅ Fresh & Healthy: Siguradong organiko at ligtas ang kakainin ng pamilya.
✅ Makatitipid: Bawasan ang gastos sa palengke sa pag-ani ng sariling gulay at prutas.
✅ Community Spirit: Sama-sama nating pagandahin at luntian ang ating barangay.
✅ Sustainability: Tulong sa kalikasan at kasiguraduhan sa pagkain.
Ano ang pwede mong itanim?
Kahit sa mga paso o ni-recycle na lagayan, pwede kang magtanim ng Pechay, Mustasa, Kangkong, Talong, Sitaw, Kalabasa, Siling Labuyo, at mga prutas gaya ng Calamansi, Papaya, at Guyabano! 🍆🍋
Tandaan, sa bawat binhi na ating itinatanim, sapat at masustansyang pagkain ang ating aanihin para sa ating pamilya at komunidad.
Magtanim tayo para sa luntiang bukas!