16/06/2026
ποΈ Lubos na pakikiramay sa pagpanaw ni Engr. Briccio Pascual, School Director ng Makabulos Memorial High School.
Mananatili sa aming alaala ang kanyang mahusay na pamumuno, dedikasyon sa edukasyon, at ang kanyang inspirasyong kasabihan:
"Walang Magic sa Buhay."
Ipinakita niya sa amin na ang tagumpay ay nakakamit sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at tamang pagpapahalaga sa trabaho.
Bilang isa sa maraming pamilyang nagkaroon ng pagkakataong mag-aral sa Makabulos Memorial High School sa iba't ibang henerasyon, lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang gabay at paglilingkod.
Maraming salamat po, Sir Briccio. Ang inyong pamana at mga aral ay patuloy naming dadalhin at isasabuhay.
Paalam at maraming salamat po. ποΈπ€
πΈ Photo credits to the rightful owner.