11/04/2026
THANKYOU LORD☝🏻🙏🏻 Dalawang Cart na!🥹🫶🏻
"Sa negosyo, hindi yung pinaka-magaling ang nagtatagal, kundi yung pinaka-matiyaga."
Dahil sa totoo lang, kahit gaano ka pa kagaling o katalino, kung wala kang tiyaga bibitaw ka rin sa unang pagsubok. Ang negosyo, hindi ito sprint. Isa itong mahabang takbuhan na sinusubok ang tibay ng loob mo araw-araw.
May mga mas magaling sa'yo. Mas may puhunan. Mas kilala. Pero kung ikaw ang mas masipag, mas matiyaga, at hindi sumusuko, ikaw ang aabante.
Tiyaga ang sikreto.
Hindi man instant ang resulta, pero kapag araw-araw kang kumikilos, kahit papano, may nahahakot ka. May natutunan ka. May naiipon kang momentum.
Sa dulo ng lahat, ang pinaka-nagwawagi sa negosyo ay hindi yung pinaka-marunong… kundi yung hindi bumitaw.
CTTO.