15/06/2026
Ang sabi magpahinga ka Chef! Bat pinagpupuyatan ang trending??? ERPB! Season 2 na agad aba!😆
Relate ako dito sa sinabi ni Na Hwa-jin. Sa mga nakakita na ng tattoo ko sa braso, it's about "time management."
A wise man once said:
“Huwag mong isipin na pareho lang ang isang minuto mo sa isang minuto ng ibang tao.” - Na Hwa-jin
Sa negosyo, bawat minuto may katumbas na halaga.
Kapag late ka mag-reply sa inquiry, may customer na lumilipat sa iba.
Kapag late ka mag-deliver, may tiwalang nababawasan.
Kapag late ka pumick up ng order, may trabahong mapepending, may lakad na madedelay.
Kapag lagi mong ipinagpapabukas ang trabaho, may opportunity na nawawala.
Pare-pareho tayong may 24 oras sa isang araw, pero hindi pare-pareho ang resulta. Ang kaibahan ay nasa kung paano natin ginagamit ang oras.
Mukhang maliit lang ang ilang minutong nasasayang ngayon, pero pagdating ng ilang taon, makikita mo ang malaking pagitan ng negosyo na pinapatakbo ng may disiplina at negosyo na pinapatakbo ng may kapabayaan.
Sa negosyo, hindi lang pera ang nawawala kapag sinayang mo ang oras, pati pagkakataon, customer, at pag-grow possibleng mawala.